Office of the Mayor

PROGRAMS/PROJECTS 

EGP Scholarship Program: Ehemplo ng Galing sa Pag-aaral

Samahan natin ang EGP Scholarship Program ng munisipyo, kung saan naglulunsad sila ng isang kampeonato para sa mga estudyanteng nagpakita ng galing sa pag-aaral. Ito ay isang pagkakataon na makatulong sa mga kabataang handang ipamalas ang kanilang talino at sipag sa pag-aaral. Sa tulong ng programa, magkakaroon sila ng pagkakataon na matupad ang kanilang mga pangarap at maging haligi ng pagbabago at progresso sa ating komunidad. Ang EGP Scholarship Program ay tatak ng pagmamalasakit at pagpapahalaga sa edukasyon, na nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa ating mga Iskolar ng Bayan. Sa bawat tagumpay na kanilang makakamtan, isang malaking pagbabago ang naghihintay para sa mas magandang kinabukasan. 

Eligibility: 

To qualify for the purposive scholarship, the applicant must: 

Requirements: 

RFID sa ANHS, activated na!

Matagumpay ang naging installation ng RFID System (Radio Frequency Identification) sa Alitagtag National High School.. Naglaan po tayo ng pondo mula sa lokal na pamahalaan para sa makabagong sistemang ito na naglalayong mas masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral kung saan mabilis na mamomonitor ng kanilang magulang ang oras ng pagpasok at paglabas ng kanilang mga anak sa paaralan. Sa pagpasok ng bata, kailangan niyang i-tap ang kanyang id card at sa oras ding iyon ay makakatanggap ng text message ang kanyang magulang na siya ay nasa loob na ng paaralan. Gayundin naman ang sistema sa tuwing siya ay lalabas ng paaralan sa oras ng uwian. Sa pamamagitan din ng sistemang ito, mababawasan ang bigat ng trabaho ng mga kaguruan dahil magiging madali na ang pagmomonitor nila sa attendance ng kanilang eskwela. Magagamit din nila ito sa pagpapalaganap ng mensahe para sa mga patawag ng meetings, kanselasyon ng klase at iba pang anunsyo ng paaralan.

Simula pa lamang po ito, sa susunod pong taon ay maglalaan po ulit tayo ng pondo para sa iba pang paaralan sa ating bayan. Unti unti, pero tuloy tuloy.

Sa ngalan ng Epektibo at Garantisadong Paglilingkod...

Para sa kabataang Alitagtagueño!

Para sa Bayang Matatag!


CITIZENS CHARTER

THE TEAM